Bago ko simulan ang aking unang blog dito sa aking pahina ikukwento ko muna kung paano ako nahikayat ng mga binabasa ko na gumawa at magsulat ng sarili kong blog. (Sana basahin mo hanggang dulo, maraming salamat sayo).
Ang kauna-unahang blog na nabasa ko ay ang blog ni Chyng Reyes simula noon, lagi ko ng binabasa ang mga blogs nya, in-add ko nga siya sa Facebook at natuwa ng i-accept nya ang request ko (I'm a fan! ), isa rin siya sa mga naging inspirasyon ko sa pag gawa ng blog, ang ganda kasi basahin ng blog niya, sa katunayan maraming blogs talaga ang magandang basahin :) , yung blog din pala ni Donnie Ray gustong-gusto ko, i-aadd ko din sila at ang iba pang bloggers dito sa aking pahina sa mga susunod na araw.
Nagumpisa akong magbasa ng blogs last year 2011, mula noon naging hobby ko na ang magbasa ng mga blogs lalo na kung may mga plano kami ng mga kaibigan ko at ng aking kasintahan na pumunta sa isang lugar. Ang unang-una ko talagang ginagawa ay magresearch at magbasa ng mga blogs, lalo na kung nakapli na kami ng lugar na pupuntahan sa mga blogs ako dumedepende ng mga matutuluyan (syempre mas okay yung mura), mapupuntahan at ng kung anu-ano pa.
Habang nagbabasa ako ng mga blogs ang nasa isip ko noon ay sana makapunta rin ako sa mga lugar na napuntahan nila, dumating din ang panahon na nakapag travel na din ako sa ilang lugar at habang nadadagdagan ang mga lugar na napupuntahan ko lalong tumitindi ang aking pagnanais na makapagsulat ng sarili kong blog, nagaalangan ako nung una dahil hindi ako marunong sa katunayan kahit ngayon hindi ko pa rin masyado alam pero naniniwala naman ako na matutunan ko din ito ng pa konti-konti. Isa pa sa dahilan kung bakit ko naisipan na magumpisang mag blog ay dahil gusto kong maalala yung mga lugar na napuntahan ko na, minsan kasi hindi sapat na ipopost mo lang sila ng sama-sama ang mga litrato, mas maganda kung may kwentong kasama para lubos na maunawaan ng mga bumabasa ang mga litrato na kanilang tinitingnan at malaman na rin ang kwento sa likod ng magagandang kuha.
Kaya magsisimula akong mag-sulat at maglathala ng mga lugar na akin nang napuntahan, sana magkaroon din ako ng mga tagapagsubaybay sana maging tagapagsubaybay din kita! Maraming salamat! :)

nice blog, love it..., :)
ReplyDelete