Pages

Friday, October 12, 2012

Reminiscing the past. Holy week vacation in Mindoro

yung feeling na pupuntahan mo uli yung lugar kung saan ka lumaki ang sarap ng feeling pag naiisp mo na dati ganito ito, dati dito kami naglalaro lahat ng mga nangyari noon naiisip ko nung makapunta uli ako sa lugar na ito.

Day 2 of our holy week vacation in Mindoro

April 22, 2012 

Pupunta kami sa "Patag" at sa "Talisayan" almost two hours of walk under the heat of the sun.

Dahil byernes santo sabi ni Mama, hindi daw kami pwedeng umalis, pero dahil matigas ang ulo namin, sinabi namin sa aming mga auntie na gusto naming pumunta sa talisayan, nung una tinanong kami kung gusto ba talaga namin at dahil gusto namin kebs na sa malayong lakarin at mainit na panahon., Dumagdag na din sa  dahilan na kukuha ng buko sa patag para makagawa ng salad para may baunin kami kunabukasan pag nagswimming kami. So, ayun pumunta na kami sa lugar,.

auntie Shirley and Auntie Myrna start of the walk
si ate sumakay sa motor hanggang dun lang sa skul ako hindi na dahil may ituturo daw sa akin si uncle
syempre dapat may pic hihi
kaya ako d pinasakay sa motor ay dahil ituturo daw sa akin ni uncle yung lupa ni Mama.

ito yun. :) lahat ng matatanaw ng mata mo :)
d ko alam na may ganun palang Lupa si Mama.
closer shot!
 And we continuously walked.


ganda hihi. :)
dahil sa paguuling kaya ganyan.

Sobrang layo pala talaga, nung bata pa kasi ako parang hindi xa ganung kalayo, at sobrang pinagpawisan talaga ako ng bonggang-bongga yun talaga ang gusto kong mang-yari ang pagpawisan, grabe talaga ang experience na ito, sobrang pawis, sobrang pagod, sobrang layo at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

at wala pa kami sa pupuntahan namin nangangalahati pa lang ata kami kaya nagstop-over muna kami.


:)
oh dba? :)
after makapagpahinga at makainom ng tubig balik na ulit kami sa paglalakad, kukuha kasi kami ng buko para ipangsalad kinabukasan. paulit-ulit unli.. hehehe


kapagod lakad-lakad.
nadaanan namin ang tanim ni Lola.. hulaan niu ano yan? hihi
ayan natatanaw ko na ang dagat malapit na kami hihi
ayan ang mga nauuna. :)
naabutan namin si lola Kandie na nag-iigib kaya lumapit ako para magbless

Malapit na, malapit na kami makakuha ng buko para pang salad.hihi..


upon seeing this! namiss ko nung maliit pa kami. :P
ito yun.. :) jan yung bahay sa baba katapat ng dagat
high tide eh
controversial
ayun after namin makita at magstay ng konti sa lugar na ito sa "talisayan" kung saan kami nakatira/tumira sila Mama noon, umalis na din kami para sa buko eto na talaga yun..hihi..

eto na yun after umakyat sa puno bibiyakin na. :)

kakain na din kami at iinom ng sabaw ng buko. yumyum freshness.

ayan kinakain na ni Rojean. hehe

after namin makuha ang buko pagka pitas galing sa puno, nagumpisa na kami ulit maglakad pauwi sa amin, puro lakad ng lakad kami grabe naintindihan ko na kung bakit tinanong pa kami kung gusto talaga namin pumunta bonggang-bonggang layo..hihi


ayan si Rojean ang nagdala ng walis hihi

siya rin ang guide namin, imagine ang liit na bata kabisado ang daan at kaya niya mag-isa

After a long walked nakarating na din kami sa bahay, ayun pahinga and bonding.

hahahaha.. :)

with our Grand Ma. ♥ :)

Ang mga bagay na ito ang hindi ko maipagpapalit/walang katulad, mga larawan, karanasan at kasiyahan na naganap habang nagbakasyon ako sa aming lugar, looking forward na maulit pa ito, ang sayang makasama ang mga kamag-anak na alam mong aalagaan ka. 

 

2 comments:

  1. bonggang bonggang lakad tlaga mhie, hehehe, tpos tindi p ng sikat ng araw, tustado tlaga kayo nyan, hehehe

    ReplyDelete
  2. ung feeling na, sana ako rin may ganyang probinsyang dinadalaw taun-taon..inggit much! hehe.. natuwa ako sa paulit ulit na salad! langya ka..hahaha!! parang ung 'iba talaga ang jowa'..hahaha!!

    ReplyDelete